Pa-kiss Pare!
(This was posted in my yahoogroups last December 13, 2004)
Birthday ni Tatay noong nakaraang Linggo. Wala namang magarbong handaan, kundi isang payak na misa ang inialay namin sa kalapit na simbahan.
Sa pagkakataong ito, gugunitain ko ang ala-ala ng isang guro, magulang, kaibigan at asawa.
Noong bata pa ako, sa katigasan ng ulo ko, tanda ko pa ang latay ng sinturon ni tatay kapag kami ay napapalo niya. May isang pagkakataon na naputol ang kanyang lumang sinturon sa paghagupit sa akin. Masakit, pero di ako nagtanim ng galit sa kanya ng parusahan niya ako ng ganun.
Malambing din ang aking tatay, may isang pagkakataon noong ako’y nagkasakit, susunduin niya ako sa aking kwarto upang kanyang buhatin at dalhin sa hapag kainan. Ang sarap ng pakiramdam, habang inaala-ala ko ngayun yung feeling na buhat buhat ka ng iyong ama, nakayakap ka sa kanya, nakahilig ang ulo mo kanyang balikat, at pakiramdam mo, sinasabi niya sa iyo, “safe ka sa akin, anak”….
Todo suporta ang tatay lalo ng ako’y “bininyagan”. Diyata’t sya ang aming kasama ng kuya ko ng pumunta kami sa doctor sa bayan upang magpatuli. Hawak ko ang mga kamay niya ng mahigpit habang ako’y nakapikit at “binibinyagan” ng doctor.
Guro sa isang pampublikong sekondarya ang aking tatay. Ng magkamulat ako ay isang ganap ng guro ang aking ama. Nagtuturo ng subject na science, practical arts, social studies, woodworking at abala rin sa gawaing pang Boy Scout. Isang pintor sa kanyang sariling kakayanan si Tatay, marahil sa kanya ko naman namana ang aking talento sa pagguhit.
Vrica kung tawagin ang tatay sa paaralan ng mga kapwa niya guro. Vrica, mula sa unng letra ng kanyang pangalan, Virgilio, “V” at “rica”, mula sa unag dalawang kataga ng kanyang apelyido. Kakaiba di ba? At kakaiba rin ang ginagawang serbisyo ng tatay sa paaralan. Tanda ko pa, kapag Foundation Day sa aming school, serbisyo niya ang inuupahan ng mga may kayang pamilya sa aming bayan upang gumawa ng karosa ng mga anak nilang nagwagi sa patimpalak ng pagandahan (at payamanan, kasi paramihan ng pera e!)
At sa pamamagitan ng pagtuturo niya, ay naitaguyod niya kaming mga anak niya upang mapag-aral niya sa kolehiyo.
Relihiyoso si Tatay. Isa syang lector sa aming simbahan, at naging miyembro ng Couples for Christ sila ni Nanay noong nandito na ako sa Maynila. Kaya naman ngayun ay naiintindihan ko na rin kung ano yung mga sinasabi nilang household noon.
Pero may isang bisyo si tatay na dati ay di ko pinapansin noong akoy bata pa…YOSI, kadalasan ako pa ang pinabibili niya ng sigarilyo sa kanto sa may tindahan. Ngunit, sa paglipas ng panahon, noong tumuntong na ako ng kolehiyo at nawalay na ako sa aking mga magulang, kabilang sa ginawang pagtitipid ni tatay upang kahit papaano ay makadagdag ng allowance na ipapadala sa amin dito sa Manila, ay unti unti niya na itong binabawasan, pero nagsusumbong sa akin si Nanay na di pa rin daw ito nawawala. Isang liham ang ginawa ko noon kay tatay, may halong pagtatangka, tanda ko pa sa liham na sinulat ko..”tatay, kung ikaw, nakakapagsigarilyo, ako man kaya ko na ring magsigarilyo sa edad kong ito, pero di ko ginagawa,…sana sa pag-uwi ko dyan sa probinsya, buo pa kayo at malusog” …parang ganito ang linya ng liham ko kay tatay..Marahil, naantig si Tatay kaya nama’t pinagpursigihan nyang itigil ang paninigarilyo, sa sobrang pagkakaantig sa sulat ko, ipinabasa pa niya ito sa Ninang ko na kapwa niya kaguro sa paaralan.
Nagdaan ang panahon, napagtapos niya ang kuya ko bilang inhenyero, nababakas ko sa kanya ang kasiyahan, nagpakain nga siya sa mga kaguro niya ng makapasa si kuya sa board exam. At sa aking pag-aaral, di ko binigo si tatay na makapagtapos din sa kursong inhenyero.
Nang lumuwas sila ng nanay at tatay ko upang dumalo sa aking pagtatapos, si tatay at kuya ko lang nag nakadalo sa Folk Arts Theater, kasi ang Nanay ko noon, lumuwas nga pero dahil sa kanyang sakit ay di na nakayanang sumama sa Folk Arts. Walang handaan matapos ang aking graduation, nagkasya kami sa isang malamig na sago’t gulaman na pumatid sa aming uhaw bago kami umuwi sa bahay ng aming tita na kung saan nandoon ang aking nanay na naghihintay. Iniabot ko ang “dummy” diploma kay nanay at nagsalo kaming lahat sa nilagang baka na pinaluto ng aking tita.
Lumipas ang ilang buwan, tuluyan ng naratay si Nanay sa karamdaman. Habang nandito sa Manila si Nanay, ang Tatay ko naman ang kasama ng aking dalawang kapatid sa probinsya.
Isang araw, kailangan sumailalim ng prosesong medical si nanay at kailangan ng malaking halaga. Agad akong nag long distance kay tatay at sinabi sa kanya ang pinansyal na pangangailangan. “Hihintayin ko na muna ang sweldo namin para may madala dyan, kayo na muna ang bahala sa Nanay nyo” …..isang pagbibigay ng katungkulan at pag-aatang ng responsibilidad, dahil matapos ang araw na hinihintay namin ang kanyang pagdating, ang aking kapatid mula sa probinsya ang dumating dala ang pera, wala si Tatay, iyon pala’y inatake sa puso at dinala sa hospital. Walang kamala’y malay si Nanay na nakaconfine na pala si Tatay sa probinsya.
Unang araw ng interview ko noon sa isang trabaho, umaga pa, 7AM ng June 10. Nakatanggap ng tawag sa telepono ang aking tita, pagbaba ko ng bahay mula sa pagbibihis sa kwarto, maluha-luha niyang sinabi sa akin..” wala na ang Tatay mo” ….di ko maintidihan ang tinuran niya, pinaulit ko, baka lamang nagkakamali ako ng dinig… “nauna na ang Tatay mo” ….para akong pinagsakluban ng langit at lupa, pumanaw sa Tatay samantalang si Nanay ay kasalukuyang nasa St. Lukes Hospital.
Napawi na ang sakit na dala ng pagpanaw ni Tatay, tumanggap kami ng benepisyo na sya namang ginamit sa mahabang gamutan ng aking ina.
Nakapagreview ako at pumasa sa board exam. Ganap ng inhenyero, pero wala si Tatay sa aking tabi upang tanggapin ang titulong itinuturing pangalawang medalya sa dibdib ng aking ama.
Wala pang isang taon, sa maikling panahon din ay sumunod na si Nanay kay Tatay. At ganap na kaming naulila.
Matatamis ang ala-ala ni Tatay. Isang guro, isang kaibigan, isang ulirang asawa na maging sariling buhay ay kanyang inialay para sa kabiyak, isang mapagmahal na ama.
Tuwing magagawi ako sa aming simbahan, at makikita ang imahen ng Birheng Maria na nakadambana sa altar. Naalala ko si tatay, kasi ito iyung rebulto na isinailalim nya sa detalyadong pagpipinta ng orihinal na kulay. Kaylan man di ko malilimot ang kanyang pagtuturo sa akin kung paano pumedal ng bisikleta. Ang gabing kasama ko syang namamasyal, matapos ang araw ng aking pagtatapos, nakaakbay sa kanya, Ang hagupit ng sinturon niya. Ang kanyang yakap at lambing. Ang pagsasama niya sa amin sa panonood ng kung-fu movies sa masurot na sinehan ng bayan.
Habang sariwa pa ang mga bagay na ito, pilit kung itong binubuhay sa aking gunita. At sa nagdaang kaarawan, nandoon yung walang sawang mga “sana”…sana nagbibirthday ka ngayun na kapiling namin at nagliliwaliw….at sana’y kapiling ko pa sya sa pag-aaruga ng kanyang mga magiging apo.
Sana kaakbay ko pa sya at sinasabing… Pa-kiss nga pare!